I've been longing to blog about this for the past few days but due to a recent injury to my left index finger I wasn't able to type properly kaya di ko na pinilit. Notice the picture? Sa mga fan ng old kung-fu flicks? Sya yun master parati ni jackie chan or ng ibang bida na nagtuturo ng kung fu sa kanila pagkatapos silang gulpihin ng kontrabida. Eventually mapapatay din sya ng kontrabida after nya maturuan yun bida. Out of revenge and syempre magaling na sya mag kung-fu hahamunin nya for a final battle yun kontrabida and will win using the style na tinuro sa kanya ng master. So ano ang connection nya sa stress? Wala hehehe gusto ko lang syang i-post cute kasi eh. Seriously speaking (not so seriously) sa kung fu flicks kasi nauso yung line na " My Kung Fu is better than your Kung fu"(with dubbing pa yan) or My Kung Fu is stronger than yours!". Based on my intro kung di nyo pa rin gets bakit meron siyang picture sa blog ko eh wag mo na ito basahin kasi below sea level ang IQ mo. Sumama ka na sa mga driver ng Igan transit puro ka level mo yun, sorry kailangan ko lang talagang isingit yun.
The Philippines is a major player in the call center industry and this industry gives a lot of pinoy's employment with decent salaries. I just noticed this about our kapatid na CSR's (customer service reps) as they want to be referred to or called rather than call center agents. They seem to put their job stress to a very high level. Inililagay nila sa pedestal parang wala ng stress ang makakapantay sa stress nila. Level up! Parang sisiw lang ang nararamdaman ng ibang taong stress compared sa kanila. I got nothing against you CSR's napansin ko lang talaga ito whenever nasa clinic ako.
1. Doc: So nilagnat ka kahapon?(TB na yan)
Px: Tuwing hapon po alam nyo naman call center stressful!!
2. Doc: bakit 6 ang vitamins na iniinom mo?? ( si Hulk Hogan ka ba? yan ang gusto ko talagang itanong)
Px:: Shempre doc alam nyo kasi pag call center Stressful talaga!
3. Doc: Masakit ulo mo pag nasa trabaho lang? ( tinatamad ka lang heheh)
Px: Iba kasi doc eh paiba iba ng shift kaya stressful
4. Doc: Every month andito may consult ka dito at may sakit ka parati. (May AIDS ka?)
Px: kasi sobrang stresssful kailangan ko lang ng rest doc. (Sa sementeryo maraming nag rerest gusto mo dun?)
5. Setting: A perfectly well patient na kakagaling sa allegedly ubo and fever
Px: So doc pwede na ba ako pumasok mamaya? Stressful kasi nanaman eh
(Di mo kailangan ng doctor para sabihin na pwede ka pumasok nasa nararamdaman mo yan. I tell you na kung di ka namin papapasukin we will tell you agad!)
So pansin nyo lagi nababanggit or na me-mention (with and accent menshyen) ang stress with them. 99% from CSR's. Sa dictionary ba may picture kayo beside the word stress?Bakit yung ibang employees hindi ganyan magreklamo? Eto sana gusto ko...
1. Doc: Naku may lagnat na kayo.
Sundalo: Opo doc nasa basilan kasi ako marami nagbabarilan dami lamok walang tulog di ako makapahinga STRESSFUL!
2. Doc: Ilan beses na po ba nagdiarrhea?
Taong Grasa: Wala po ko makain eh yun pinupulot ko lang sa basurahan kinakain ko hinang hina na ko stress grabe!
3. Doc: Masakit ulo nyo?
Assasin/hitman: Oo praning kasi ako di ko alam sino kaibigan ko at sino kaaway ko. Pwede akong ipatumba din anytime! What a stressful job!
Get my foint? I don't want to highlight my stresses co'z I definitely know that my stress is really better than your stress. No contest yan! I may have complained about my stresses but i don't use it as often para may extended leave or change in shift or whatever advantage i could get sa work. You guys work in shifts we work straight for 36 hours or more. We bring our work at home kayo hindi! Mali kayo ng nirereklamuhan ng stress eh. Di tatalab sa akin yan! Love your jobs marami walang trabaho. Kung stress lang ang reklamo nyo isumbong nyo na lang kay Tulfo!
i cannot stress how much I enjoyed this post.
ReplyDeletena miss ko yun kung fu films hehe nung nakita ko yun pic na yan
ReplyDelete