Good day my of handful readers, hi kay ice my splendiforous wife. I've ranted before about the Pinoy's love for vitamins on my previous blogs. Most of our kababayans think of vitamins as therapeutic drugs instead of supplements. Vitamins sa ubo, sa sipon, sa baga, sa pag-ihi sa pagtigas ng T_T_, per organ system ang gusto nila ng vitamins. Sa hinaba haba ng consultation about a certain ailment in the end "Doc, ano ok na vitamins para dito?" makikita mo sa facial expression nila na they are not really interested in your advice gusto lang nila prescription for their miracle vitamins para ma-reimburse nila sa company yun gastos.
The reason I wrote this blog is sana magkaroon ng separate profession na Vitaminologists gawin syang paramedical course like being an EMT etc para ma-triage dito ang vitamin hungry people sa consultation. Prescription of vitamins and description and use of each vitamin and mineral ang magiging trabaho nila. Nakakaubos kasi ng clinic time yun mga ganitong scenario:
1.Patient: Doc ibahin mo na lang yun vitamins ko
Doc: Ano ba iniinom mo?
Patient: Centrum... gusto ko sana yun vitamins sa puyat baka pwede HavItALL or Clusivol?
(pare-pareho ang multivitamins check the labels sa likod commercial lang nila ang pinagkaiba)
2.Patient: Pareseta naman doc ng stresstabs at enervon vitamins ko yun eh
Doc: Bakit dalawa pareho lang yun eh.
Patient: Kasi yun enervon vitamins ko talaga pero pag puyat at stressed ako ako iniinom ko din yun stress tabs
(Hay :( )
3. Patient: Doc 2 weeks na po yun ubo ko ininuman ko ng amoxicillin ng 3 beses di nawala so nag take na lang ako ng vitamin C eh di pa rin nawawala eh ano bang maganda talagang vitamins sa ubo?
Doc's Mind: (iho, sa tingin mo mas malakas ang vitamin C sa antibiotic sa laban sa infection? Gusto mo na bang iwan si vitamin C baka mag tampo sa iyo yan? Nakapagusap na ba kayo ni vitamin C ng masinsinan bakit di nya napagaling ang ubo mo? Baka masyado kang demanding sa kanya kaya?)
Sometimes pag vague ang symptoms naanticipate ko na na vitamins ang hihingin sa huli eh mahihirapan ka magisip na mag illicit ng good history.
Patient: Doc Nahihilo ako and sakit ng ulo ko
Doc: kelan pa? san part?
Patient: Matagal na (my favorite answer) minsan sa harap minsan dito sa gilid
Doc: So may ilang buwan na? Tuwing kelan sumasakit?
Patient: Di ko sure eh basta matagal na. (sakit mo hindi mo alam?) Tuwing nasa work ako na nastrstress ako sumasakit. (Sino bang hindi?) tapos nahihilo ako paminsan minsan
Doc: ahhh nagpacheck ka na ba dati
Patient: Last week po sabi po vertigo daw binigyan ako ng gamot nawawala naman pag na take ko
Doc: Continue mo lang gamot mo pag nahilo ka. Tapos yun sakit ng ulo mo tension headache yan (explains while patients looks disinterested) Dagdag mo na lang tong gamot pag matindi yun sakit and ffup ka pag lumalala at di kinakaya ng gamot.
Patient: Pwede makahingi ng vitamins para dito? Paki reseta po doc eto po Multivitamins 1 2 3. ( patient's eyes now sparkling)
UBOS ORAS AARGH!
I think vitaminologists would help solve our wasted clinic time and wasted advice. They would also help in medical missions to distribute vitamins to the people. As we all know medical missions last until there are supplies of free vitamins. Once it runs out even if there are still other medications available, patients also rans out. Nawawalang parang bula. I've really got nothing against getting your free vitamins but i really feel na its insulting to our job as physicians to be dispensing vitamins by order of the patient. DOC PENGENG VITAMINS! Some companies ask for our diagnosis pa before they distribute the vitamins. WHY? Kailangan ba may sakit para mabigyan ng vitamins? We would know when to give it and we in general don't like to be dictated upon. Its a different case if the patient ask via a suggestion like "Sa tingin nyo doc kailangan ko magpa test kasi..." We are very open to that and we encourage that pero yun vitamins hay!!!!
So sa mga schools jan magandang course ito vitaminologist. Malaki ang market nito gawa na kayo ng ganitong course!
Hindi lahat ng brand ng vitamins pare pareho.. kitid naman ng utak nitong doctor na to.. baka ikaw ang kelangan magbasa ng labels ng different brands of vitamins. Isa ka rin ba sa naniniwala sa Generics?!? Each brand has its own concoction, basic ingredients yes, pero may mga kanya kanyang dagdag na special ingredient.. kaya nga may mas mahal na antibiotics kesa iba... I challenge you to compare these drugs/ vitamins in their molecular level... Hindi lahat ng multivitamins parepareho ang kargang IU..
ReplyDeleteyours truly,
Vitaminologist, MS,PhD.
Sa tingin mo ba kailangan mo uminom ng sabay sabay ng multivitamins revicon centrum at stresstabs? Di ba lalagpas ka sa RDA at ilalabas mo lang? Mas makitid ang utak mo hindi yun I.U .ang point ko dito. Ang point ko is ang overdependence ng vitamins! Don't give me your bioavalablity crap palibhasa your stuck in your lab and you don't encounter patients an sobra sobra humingi ng vitamins.
ReplyDeleteOne more thing iba ang antibiotic sa vitamins. They are not on the same level nakukuha ba sa daily diet ang antibiotic? Vitamins nakukuha di ba? So diet plus humongous amounts of vitamins san pupunta? Sa inidoro pag na jingle mo na.
ReplyDeleteDoc hayaan mo na yan, walang point makipag-argue sa TANGA AT BOBO. Hayaan mo siya uminom ng lahat ng vitamins na gusto niya, pera naman niya yun. Tsaka siyempre gusto niya inumin lahat ng tao lahat ng vitamins na pwede kasi KABUHAYAN niya yun.
ReplyDeleteDun palang sa kinompare niya yung antibiotic at vitamins alam mo ng TANGA yan e. Akala niya GAMOT yun vitamins at hindi SUPPLEMENTS.
Nagsisisi nga ako bakit di ko nabasa agad ang comment nya na eh mahaba sanang debate.
ReplyDelete