Monday, January 11, 2010

Fit to Work Certificate...KALOKOHAN!

Hello I just arrived home from dinner at KINGONE tsalap!!! Medyo marami ako calories to burn again that's why I'm blogging at least may konting calories ang nabuburn habang nagtatype kaysa naman mag jogging ako ng alas-onse ng gabi.

One of my biggest peeves right now and even before is the FIT TO WORK CERTIFICATE, para kasing pinapasa mo sa health care professionals parati ang burden sa mga simpleng sakit na common sense lang ang kailangan. It is always misused and in the end sa amin ang blame if may mangyari. Mga descendants ba kayo ni Pontius Pilate or sadyang fans kayo ng Safeguard dahil mahilig kayo maghugas ng kamay? Ito lang ay isang appeal sa mga employers specifically sa HR department. Lemme give you some scenarios so you would understand.

Setting CLINIC
Doctor: good morning ano po ang problema?
Patient: Pinapunta kasi ako ng HR namin dito kasi kailangan ko daw ng certificate
Doctor: Bakit anung nangyari?
Patient: Di po ako nakapasok last week pinauwi po ako ng nurse ng company kasi may lagnat ako, pero after   ko po magpahinga gumaling din po ako after ilan days. Wala na nga po ako nararamdaman mga 2 days na.
Doctor: Ah baka trinangkaso ka lang (makes a med cert kahit di nya nakita talaga nung may lagnat para matapos na ang usapan at marami pang nakapila) oh eto na para ma file mo na as sick leave
Patient: Ahh tnx po, pero po kailangan po lagay nyo fit to work po ako
Doctor: Bakit eh magaling ka na naman ah. Wala ka ng nararamdaman di ba? Kaya mo na pumasok di ba?
Patient: Opo doc kasi ayaw po ako papasukin kailangan daw may nakalagay na FIT TO WORK ako di po pwedeng med cert lang.

Isang scenario lang yan, obvious na pwede ng pumasok kailangan pa papuntahin sa clinic at lagyan ng fit to work? Yun patient ang nakakaalam talaga kung kelan nya kaya ng pumasok most of the time. Common sense eh kung nilagyan ko yan ng fit to work at nagkasakit yan ule pero separate entity yun sakit sa akin ang blame. Obvious eh mas malakas pa sa kalabaw ika nga  hahanapan pa ng fit to work. Sa school ba pag umabsent ang student med cert lang naman hinahanap di ba? Pwede ka nga pumasok ng may sakit eh basta kaya ng katawan mo. If ever absent ka hindi naman humihingi ng FIT TO GO BACK TO SCHOOL di ba? What is the difference of going to work and going to school scenario aside dun sa isa may sweldo at isa may allowance. Halos same lang naman di ba? It's really irritating yun doctor lang ba ang pwede mag isip?

Another example

Setting: Clinic with a relatively newly diagnosed hypertensive patient previously poorly controlled.
Doctor: Good morning po sir musta na po BP natin?
Patient: Ok na po doc nag 120-130/80 (normal but not necessarily optimal range) mukang nakukuha po nung bagong gamot
Doctor: Buti naman basta tuloy tuloy lang ang inom mo ah.
Patient: Doc pwde po ba makahingi ng FIT TO WORK?
Doctor: Bakit ok na ok na yun bp mo ah? Last week nga nabigyan na ata kita nun.
Patient: Yun HR daw po kasi namin takot baka may mangyari sa akin. High blood daw kasi.
Doctor: Alam mo kung lahat ng high blood pagbabawalan mag work eh kawawa naman kayo nyan kasi habang buhay na sakit yan kinokontrol lang talaga.
Patient: Kasi doc kahapon po nag pa bp ako nung umaga 120/70 tapos nung nagtrabaho na ako mejo na stress ako dun sa pinapagawa sa akin at sumakit konti yun ulo ko nagpa BP ako 150/90 na pinauwi ako kasi baka daw mapaano ako. Pinabalik nila ako dito dahil kailangan daw ko daw ng letter na nagsasabi na TALAGANG FIT TO WORK na daw ako.

See? I hope you're getting my point dito sa fit to work na to. Kinuwstyon pa talaga yun unang fit to work. Shempre na-stress ng konti medyo sumakit ulo natural tataasng konti ang BP kahit ata sa hindi hypertensive tataas yan. Marami chronic diseases kung lahat unfit to work mapipilay ang work force at magkakaroon ng discrimination. Might as well magkatotoo yun GATTACA movie di ba para lahat ng labor force thoroughbreds. Bakit pa kailangan pabalikin? Para sa amin mapunta ang blame again?If ever ma-stroke sya sa work hahanapin yun huling pumirma ng med cert na FIT to WORK kahit na yung stroke ay complication ng hypertension nya dati pa?  Pwede naman mag self-regulate sa mga ganitong situation eh.

Wag naman sana nating gawing isang malaking hospital ang mundo na lahat ng burden ipapasa sa physicians para lang makapaghugas kamay tayo kung may unforseen circumstances pwede nyo ilagay sa report DR.____ aware! Inaware po namin...burn him/her to the ground!!

Parang nagugutom nanaman ata ule ako...

2 comments:

  1. oo nga naman...dapat talaga yung worker ang nakakaalam if he is FIT TO WORK noh!

    ReplyDelete
  2. nung student pa ako alam na ng nanay ko kung kelan ako fit na pumasok

    ReplyDelete