Saturday, January 9, 2010

Metro Manila Traffic "A Microcosm of Our Dysfunctional Nation"




Minsan ko lang magamit ang word na microcosm kaya pagbigyan nyo na ako. Naririnig nyo siguro sa radio yung "Metro Manila Traffic is something we have to live with" well I do not agree because we could do something about it naman but we chose not to. Its perfectly fine to experience heavy traffic due to the sheer volume of vehicles, road works and also vehicular accidents.  

So what is uniquely Pinoy and nakaka taas ng high blood (bwheheheh) about our traffic jams?

1. SLOW MOVING VEHICLES on the left lane for FAST MOVING VEHICLES or slow moving vehicles clogging the streets. This is very evident sa mga tollways may truck or van na mabagal na nasa kaliwa kahit mag flash ka ng light ayaw pa din tumabi eh ang luwag naman ng right lane. Nakaka cause ito ng accident ok lang sana kung yun mabagal yun naaksidente, which sometimes I wish for pero ang problem yun nag oovertake usually yun naaksidente. Pwede syang mabundol ng paparating na oto or kung gabi na baka may truck na nasira without early warning device BOOM bangga! Yun mabagal na sasakyan? Ayun tuloy tuloy pa din parang namamasyal lang. Where is the justice?

2. Slow moving cars in general most of pinoy drivers walang pakialam!! Try nyo lang ito kayo yun nasa harap ng stoplight and the road is wide open after it when the light turns green accelerate to about 60km/h ( which is a decent speed) panisnin nyo maiiwan nyo karamihan ng kotse sa likod? Why? Ayaw nyo ba makauwi ng maaga? Or minsan kalamo heavy volume sa isang 3 or four lane road yun pala may apat na same speed na magkapantay pantay kairita! I drive a pick-up so i know na maluwag yun road after the slowpokes. Isa pang good example ang 8-lane Commonwealth Ave. try nyo kung makaabot kayo ng 60-80km/h na sustained sa road na yun on regular working hours despite na maluwag siya. Para syang artery na punong puno na CHOLESTEROL at ang cholesterol ay ang mga PAGONG na SASAKYAN!!! Walang ganyan sa STATES!

3. Vendors oh glorious vendors! Baclaran, litex, Balintawak etc bakit choke points ito? Okupado ng vendor ang isang lane! yun next lane dinadaanan ng tao so ilan na lang matitira sa mga vehicles? Poverty is not an excuse to break the law! Parating ganun ang excuse I really do feel sorry for them pero pag natatrapik ako walang sorry sorry gusto ko lang umuwi! Ano ba naman ang dali naman maimplement na tanggalin sila di ba?

4. Tricycles, pedicabs plying the highway. di ba bawal to? Nakakadagdag sila sa number 2 plus hazard pa sila because usually sila yun walang ilaw sa gabi.

5. Convoy ng PRIVATE (malamang may kapit) SUV's or luxury cars na may wangwang na kala mo kanila yun daan. Di ba dapat sa government lang yun sirens? Counterflow anywhere konting hinto lang wangwang kaagad. Ito dapat ang binobomba ni Bin Laden  for sure ako na sasali ako ng AL QAEDA pag ganun.

6. Mga Naflatan or nag overheat na kung san inabutan dun din ihihinto kahit nasa gitna or pa slant yun position ng sasakyan. Ano ba naman yun itabi ng konti di ba? May pagkakaiba ba sa pagpapalit ng gulong? Ang di ko pa maintindihan madalas meron nafaflatan sa flyover. Punyemas na kaugalian to pwede naman itabi eh kung sa pag ihi nga nakakatabi ka pa eh.

7. BARKERS! Sila ang nag papahinto minsan sa gitna or sa mga kanto ng PUV's easy money lang hanap nitong mga to. Kung ako mag cocommute di ko kailangan ng barker malalaman ko naman sa papunta ang sasakyan ko eh tsaka alam mo naman kung may pwesto ka pang mauupan self explanatory!

8. High beam kahit may kasalubong. Nakakabagal pag nasisilaw ka sa mataas na ilaw ng kasalubong mo sa gabi. Kahit maliwanag yun daan naka high beam pa din. Mas mahirap kaya mag drive pag nasisilaw ang tendency mo babagalan mo kasi baka may biglang tumawid eh

9. Kwentuhan ng dalawang driver sa daan. Pwdeng tumabi naman at magusap or magtxt na lang para maaksidente kagad kayo. Ang daming lugar na pwedeng mag usap kailangan pa sa daan?


8. Public vehicles jaywalkers are self explanatory Res Ipsas Loquitur

Ganyan ang ugali natin malaki ang igiginahawa ng traffic kung aayusin ito. Sana talaga maging MMDA chairman ako.

Feel free to add hehe

1 comment: