I'm sipping a hot cup of coffee right now usually this is the time when I usually recollect my past experiences (not exactly the xerex type) and make it into a blog. Right now I know I have a lot to talk or write about but I can't seem to really gather my thoughts together. I can't seem to consolidate my rants and make it cohesive. So sa ngalan ng hiphop at swimming I will attempt to do FREESTYLE writing. No exact topic I will just go with the flow.
I'm currently in the clinic waiting for my next patient as of now wala pang naka queue. I'm currently thinking if my next patient would be a real patient or a med cert patient or a vitamin patient I hope to get a real patient kahit gano pa kahirap ang case nya dala ko naman yun baseball ko so I can bounce it off the wall (ala HOUSE) while contemplating on the diagnosis hehe. This is the problem with HMO patients kahit walang nararamdaman they will make up things para mapagawa yun nabasa nila sa internet na diagnostics. "Para magamit ko naman yun card" is the dictum here so kahit na kinakain ka na ng pride mo I have to give in to their demands but not all the time naman may limits din. Wow nagkaroon na pala ng topic bigla ang galing hehe.
I still have 7 hours left on my duty, kakareceive ko lang ng salary ko so medyo ganado pa. Katabi ko ay pedia so I always hear babies crying and usually I get irritated whenever I hear this but now this reminds me of my 4month old son and kahit kakakita ko lang sa kanya kanina I can't wait to go home and play with him again. Mushy na kung mushy, cheesy na kung cheesy but ito yun nararamdaman ko hehe. I believe the children are our future and breast milk is still the best for them.
Oh no nabangga ako sa wall, I mean yun flow ko pala ng isusulat bigla ng stop kaya tinatype ko para humaba itong entry ko. Kakahiram lang ng colleague ko ng tongue depressor. Marami kasing masakit ang lalamunan ngayon eh. Pansin ko lang lahat ng may ubo and sipon blames the weather for their illness. Why not blame the pathogen behind it? All the bacteria and the viruses that could cause it. The weather would always be a part of our lives for ALPHA's sake (sorry inside joke yun so sa mga nakakaintindi alam nyo yun). Kapag summer sobrang init kaya sinisipon, pag umuulan nababasa kaya sinisipon, pag malamig nalamigan kaya sinisipon. Pati HAMOG damay ano ba yan? May dala ba silang germs? Pwede siguro yun precipitate ng hamog nahaluan ng bacteria at nasinghot natin at nagkasakit tayo. Kawawa naman ang weather o sige sana wala na lang weather gusto nyo ba yun? Matitiis nyo ba na mawalan ng trabaho si Kuya Kim? Kung walang weather matutunan nyo ba ang cleansing diet ni Ernie Baron? Magkakaroon ba tayo ng PAGASA? huhuhuhu.
Enough para na akong punchline ng pugad baboy. Muni muni muni ideas ideas, mukang naka envelope pa ang ideas. Speaking of envelope and ideas why can't we make songs like we used to? Puro revival at cover? Wala na bang original compositions? Kahit baduy basta original.(well di kasama dito ang kanta ni lito camo). Di ko rin ma gets bakit tinatangkilik ang gawa nya eh puro mix lang ng old tunes yun na minodify. Yun Bumtarat ng wowowee you'd really swear na you have heard it before pero di nyo lang mahanap sa brain nyo. Kasi na mix na sya or na modify na.
Naku ayan na yun next patient. Ok na rin before I ran out of things to write. Salamat sa mga nagsayang ng oras para basahin ito.
we see the same trend in movies! most are remakes, re-imagining, or the latest meme reboot!
ReplyDeletewala nga talgang kwenta men
ReplyDelete