The blog you are about to read are my views on the current political landscape so walang pakelamanan kung magustuhan nyo or against kayo. Just feel free to comment na lang kung may violent reactions. (Paging Vitaminologist wala ka pang sagot sa rebuttal ko where art thou?)
I have no particular politician to write about so halo-halo na to.
Noynoy: Sana wag mo masyado i-emphasize na anak ka ni president Cory and ni Ninoy na bayani. Although your parents were great wala ka panaman talaga na prove eh. I've met you once sa hospital and you seem like a nice person naman pero in my opinion pakisabi sa mga PR people mo na i-focus yun campaign on you not on your parents. Lalo ko tuloy naalala na kapatid mo si Kris kung kamag-anak sa kamag anak ang pag uusapan. Badtrip lalo di ba?
Mar -iboboto sana kita kaso asawa mo si Korina!
Villar: In my opinion yung current situation sa senate could work for you. You are masterfully playing the underdog title.Mag-kakasympathy sa iyo yun mga tao, which could translate to votes. Honestly yun privilege speech mo about it was a campaign speech eh politcal circus na kung circus but sana na lang you chose to stay to answer questions from your colleagues insteadof walking out. Masyadong ma-drama eh. Isa pa gusto mo tumulung sa mahihirap. HOW???? Kailangan ba talaga mahirap dati yun president to be effective? Kailangan lang natin yun may genuine concern mahirap man sya o mayaman.
Loren: Ikaw ay nasa bottom ng listahan ko sa VP. Actually if you are the only one running for VP I still won't vote for you. As I've said before nung impeachment ni ERAP, anti ERAP ka you even cried on national tv when the chamber voted against opening of the 2nd envelope. Then after 3 years running mate ka ni FPJ. Just a year ago kalaban ka ni Villar ngayon kakampi ka na nya. Political prostitution! Yung ads mo are simply annoying. Isa kang OROCAN! Contributor ka sa global warming or climate change!
ERAP:convicted plunderer pero respectable pa din ang survey results for you. Dito ko na dedepress sa current state ng Pilipinas. Ano bang klaseng utak meron tayo?
Binay: Ganito kami sa Makati pero imposible magawa mo yan sa bansa unless gawin mong 40% ang VAT.
Gibo: I'm currently impressed with this guy lalo na sa forum. You seem to know your stuff well. Unfortunately wala talagang winnability eh. I could vote for him pero iisipin ko baka masayang boto ko kasi malabo manalo. Sana independent ka na lang hehe.
No comments:
Post a Comment