Most of the patients I see claimed to have fever but wasn't able to get their temperature. Fever is an objective finding meaning that you have a temperature above 37.8 C. Its really important for us to know the exact temperature (usually the maximum or the average temp) and the fever pattern for us to establish a correct diagnosis. I really don't blame people kung di nila nakukuha temp nila (eh kung walang thermometer eh) minsan nga naman nararamdaman mo na nilalagnat ka. Ito ang problema in our language meron term na sinat (for slight fever and binat (nagka fever ulet)
Doc: Nilagnat ka?
Px: Kagabi po pag uwi ko.
Doc: Ano temp mo?
Px: Di ko po nakuhaan eh pero giniginaw po ako
Doc: Ahh so tuluy tuluy lang ang lagnat mo till ngayon? (ok na sa akin na di nya nakuhaan)
Px. Kagabi sinat sinat lang then nawala then after 2 hours bumalik lagnat na. Uminom ako biogesic then ok na ngayon doc parang nabinat ako sama pakiramdam ko.
Di ba nakakalito? Sinat and binat? May specific cut off ba sa sinat bago sya maging lagnat? I mean the exact temperature. Another thing kung di mo kinukuha ang temp mo pano mo madidifferentiate yun sinat sa lagnat. If your have a temp of 40 C for the past 24 hours at bumaba sya ng 38.5 ang feeling mo slight fever na lang di ba. Hindi magandang basis yun sensation mo ng temp sa katawan nyo. Try nyo lang lagay sa ice yun kamay mo then submerge it in tap water after feeling nyo mainit yun tubig.
Binat, mas nakakalito ito than sinat. Aside from fever na nagrelapse it could mean other bad things. It encompasses a lot of illness including psychosis. Depende na lang sa folklore ng family mo. Yun mga bawal maligo after giving birth, bawal mabasa ang buhok etc. Pansin nyo ba ang pinoy lang ang pinapasma?
No comments:
Post a Comment