Thursday, January 28, 2010

My Stress Is Better Than Your Stress.


I've been longing to blog about this for the past few days but due to a recent injury to my left index finger I wasn't able to type properly kaya di ko na pinilit. Notice the picture? Sa mga fan ng old kung-fu flicks? Sya yun master parati ni jackie chan or ng ibang bida na nagtuturo ng kung fu sa kanila pagkatapos silang gulpihin ng kontrabida. Eventually mapapatay din sya ng kontrabida  after nya maturuan yun bida. Out of revenge and syempre magaling na sya mag kung-fu hahamunin nya for a final battle yun kontrabida and will win using the style na tinuro sa kanya ng master. So ano ang connection nya sa stress? Wala hehehe gusto ko lang syang i-post cute kasi eh. Seriously speaking (not so seriously) sa kung fu flicks kasi nauso yung line na " My Kung Fu is better than your Kung fu"(with dubbing pa yan) or My Kung Fu is stronger than yours!". Based on my intro kung di nyo pa rin gets bakit meron siyang picture sa blog ko eh wag mo na ito basahin kasi below sea level ang IQ mo. Sumama ka na sa mga driver ng Igan transit puro ka level mo yun, sorry kailangan ko lang talagang isingit yun.

The Philippines is a major player in the call center industry and this industry gives a lot of pinoy's employment with decent salaries. I just noticed this about our kapatid na CSR's (customer service reps) as they want to be referred to or called rather than call center agents. They seem to put their job stress to a very high level. Inililagay nila sa pedestal parang wala ng stress ang makakapantay sa stress nila. Level up! Parang sisiw lang ang nararamdaman ng ibang taong stress compared sa kanila. I got nothing against you CSR's napansin ko lang talaga ito whenever nasa clinic ako.

1. Doc: So nilagnat ka kahapon?(TB na yan)
Px: Tuwing hapon po alam nyo naman call center stressful!!

2. Doc: bakit 6 ang vitamins na iniinom mo?? ( si Hulk Hogan ka ba? yan ang gusto ko talagang itanong)
Px:: Shempre doc alam nyo kasi pag call center Stressful talaga!

3. Doc: Masakit ulo mo pag nasa trabaho lang? ( tinatamad ka lang heheh)
Px: Iba kasi doc eh paiba iba ng shift kaya stressful

4. Doc: Every month andito may consult ka dito at may sakit ka parati. (May AIDS ka?)
Px: kasi sobrang stresssful kailangan ko lang ng rest doc. (Sa sementeryo maraming nag rerest gusto mo dun?)

5. Setting: A perfectly well patient na kakagaling sa allegedly ubo and fever
Px: So doc pwede na ba ako pumasok mamaya? Stressful kasi nanaman eh
(Di mo kailangan ng doctor para sabihin na pwede ka pumasok nasa nararamdaman mo yan. I tell you na kung di ka namin papapasukin we will tell you agad!)

So pansin nyo lagi nababanggit or na me-mention (with and accent menshyen) ang stress with them. 99% from CSR's. Sa dictionary ba may picture kayo beside the word stress?Bakit yung ibang employees hindi ganyan magreklamo?  Eto sana gusto ko...

1. Doc: Naku may lagnat na kayo.
Sundalo: Opo doc nasa basilan kasi ako marami nagbabarilan dami lamok walang tulog di ako makapahinga STRESSFUL!

2. Doc: Ilan beses na po ba nagdiarrhea?
Taong Grasa: Wala po ko makain eh yun pinupulot ko lang sa basurahan kinakain ko hinang hina na ko stress grabe!

3. Doc: Masakit ulo nyo?
Assasin/hitman: Oo praning kasi ako di ko alam sino kaibigan ko at sino kaaway ko. Pwede akong ipatumba din anytime! What a stressful job!

Get my foint?  I don't want to highlight my stresses co'z I definitely know that my stress is really better than your stress. No contest yan! I may have complained about my stresses but i don't use it as often para may extended leave or change in shift or whatever advantage i could get sa work. You guys work in shifts we work straight for 36 hours or more. We bring our work at home kayo hindi! Mali kayo ng nirereklamuhan ng stress eh. Di tatalab sa akin yan! Love your jobs marami walang trabaho. Kung stress lang ang reklamo nyo isumbong nyo na lang kay Tulfo!

Thursday, January 21, 2010

Untitled

I'm sipping a hot cup of coffee right now usually this is the time when I usually recollect my past experiences (not exactly the xerex type) and make it into a blog. Right now I know I have a lot to talk or write about but I can't seem to really gather my thoughts together. I can't seem to consolidate my rants and make it cohesive. So sa ngalan ng hiphop at swimming I will attempt to do FREESTYLE writing. No exact topic I will just go with the flow.

I'm currently in the clinic waiting for my next patient as of now wala pang naka queue. I'm currently thinking if my next patient would be a real patient or a med cert patient or a vitamin patient I hope to get a real patient kahit gano pa kahirap ang case nya dala ko naman yun baseball ko so I can bounce it off the wall (ala HOUSE) while contemplating on the diagnosis hehe. This is the problem with HMO patients kahit walang nararamdaman they will make up things para mapagawa yun nabasa nila sa internet na diagnostics. "Para magamit ko naman yun card" is the dictum here so kahit na kinakain ka na ng pride mo I have to give in to their demands but not all the time naman may limits din. Wow nagkaroon na pala ng topic bigla ang galing hehe.

I still have 7 hours left on my duty, kakareceive ko lang ng salary ko so medyo ganado pa. Katabi ko ay pedia so I always hear babies crying and usually I get irritated whenever I hear this but now this reminds me of my 4month old son and kahit kakakita ko lang sa kanya kanina I can't wait to go home and play with him again. Mushy na kung mushy, cheesy na kung cheesy but ito yun nararamdaman ko hehe. I believe the children are our future and breast milk is still the best for them.

Oh no nabangga ako sa wall, I mean yun flow ko pala ng isusulat bigla ng stop kaya tinatype ko para humaba itong entry ko. Kakahiram lang ng colleague ko ng tongue depressor. Marami kasing masakit ang lalamunan ngayon eh. Pansin ko lang lahat ng may ubo and sipon blames the weather for their illness. Why not blame the pathogen behind it? All the bacteria and the viruses that could cause it. The weather would always be a part of our lives for ALPHA's sake (sorry inside joke yun so sa mga nakakaintindi alam nyo yun). Kapag summer sobrang init kaya sinisipon, pag umuulan nababasa kaya sinisipon, pag malamig nalamigan kaya sinisipon. Pati HAMOG damay ano ba yan? May dala ba silang germs? Pwede siguro yun precipitate ng hamog nahaluan ng bacteria at nasinghot natin at nagkasakit tayo. Kawawa naman ang weather o sige sana wala na lang weather gusto nyo ba yun? Matitiis nyo ba na mawalan ng trabaho si Kuya Kim? Kung walang weather matutunan nyo ba ang cleansing diet ni Ernie Baron? Magkakaroon ba tayo ng PAGASA? huhuhuhu.

Enough para na akong punchline ng pugad baboy. Muni muni muni ideas ideas, mukang naka envelope pa ang ideas. Speaking of envelope and ideas why can't we make songs like we used to? Puro revival at cover? Wala na bang original compositions? Kahit baduy basta original.(well di kasama dito ang kanta ni lito camo). Di ko rin ma gets bakit tinatangkilik ang gawa nya eh puro mix lang ng old tunes yun na minodify. Yun Bumtarat ng wowowee you'd really swear na you have heard it before pero di nyo lang mahanap sa brain nyo. Kasi na mix na sya or na modify na.

Naku ayan na yun next patient. Ok na rin before I ran out of things to write. Salamat sa mga nagsayang ng oras para basahin ito.

Wednesday, January 20, 2010

Retrospective Medical Certificates

Medyo nakarami lang ako ng ganito kanina kailangan ko lang mag-exhale.

I understand the need for medical certificates for an employee or a student whenever they miss work or school due to illness. Dito nagkakaroon ng excuse if they miss an exam or nakaka-file ng sick leave. If you will notice that a medical certificate contains the date when the physician examined and treated the patient. Ano ba ang purpose nito if the supposedly previously sick patient comes to a doctor and asks for a medical certificate for being absent from work/school days or weeks before? Pag nakita na namin yun patient wala ng sakit, strong as an ox with essentially normal physical examination findings ano lalagay namin sa diagnosis? Well adult but we need to excuse them sa absence nila prior? How can we prove na they had fever, cough, colds, etc.?  Lahat yun magaling na pag nakita namin. I am not saying na they are lying my point is why require a medical certificate kung ok na yun patient at di naman nakita ng doctor at the time of their illness? Ano kami lawyer or imbestigador na ilalagay namin yun word na "allegedly" sa statements namin? Allegedly had fever cough blah blah blah? Katarantaduhan to and it is but a waste of time. Ok lang kung ang field ko pathology pwede ako retrospective kasi patay na yun mga nakikita ko di ba?

I do understand na sometimes when a person gets sick he/she'd rather stay home and rest so ok lang yun. My point is sa mga supervisors and company na may mga ganitong requirement. Isipin nyo naman kung ano ba ang gusto nyong mangyari? Nakaka bastardize kayo ng profession eh.

Thursday, January 14, 2010

Vitaminologists

Good day  my of handful readers, hi kay ice my splendiforous wife. I've ranted before about the Pinoy's love for vitamins on my previous blogs. Most of our kababayans think of vitamins as therapeutic drugs instead of supplements. Vitamins sa ubo, sa sipon, sa baga, sa pag-ihi sa pagtigas ng T_T_, per organ system ang gusto nila ng vitamins. Sa hinaba haba ng consultation about a certain ailment in the end "Doc, ano ok na vitamins para dito?" makikita mo sa facial expression nila na they are not really interested in your advice gusto lang nila prescription for their miracle vitamins para ma-reimburse nila sa company yun gastos.

The reason I wrote this blog is sana magkaroon ng separate profession na Vitaminologists gawin syang paramedical course like being an EMT etc para ma-triage dito ang vitamin hungry people sa consultation. Prescription of vitamins and description and use of each vitamin and mineral ang magiging trabaho nila. Nakakaubos kasi ng clinic time yun mga ganitong scenario:

1.Patient: Doc ibahin mo na lang yun vitamins ko
Doc: Ano ba iniinom mo?
Patient: Centrum... gusto ko sana yun vitamins sa puyat baka pwede HavItALL or Clusivol?
(pare-pareho ang multivitamins check the labels sa likod commercial lang nila ang pinagkaiba)

2.Patient: Pareseta naman doc ng stresstabs at enervon vitamins ko yun eh
Doc: Bakit dalawa pareho lang yun eh.
Patient: Kasi yun enervon vitamins ko talaga pero pag puyat at stressed ako ako iniinom ko din yun stress tabs
(Hay :( )

3. Patient: Doc 2 weeks na po yun ubo ko ininuman ko ng amoxicillin ng 3 beses di nawala so nag take na lang ako ng vitamin C eh di pa rin nawawala eh ano bang maganda talagang vitamins sa ubo?
Doc's Mind: (iho, sa tingin mo mas malakas ang vitamin C sa antibiotic sa laban sa infection? Gusto mo na bang iwan si vitamin C baka mag tampo sa iyo yan? Nakapagusap na ba kayo ni vitamin C ng masinsinan bakit di nya napagaling ang ubo mo? Baka masyado kang demanding sa kanya kaya?)

Sometimes pag vague ang symptoms naanticipate ko na na vitamins ang hihingin sa huli eh mahihirapan ka magisip na mag illicit ng good history.

Patient: Doc Nahihilo ako and sakit ng ulo ko
Doc: kelan pa? san part?
Patient: Matagal na (my favorite answer) minsan sa harap minsan dito sa gilid
Doc: So may ilang buwan na? Tuwing kelan sumasakit?
Patient: Di ko sure eh basta matagal na. (sakit mo hindi mo alam?) Tuwing nasa work ako na nastrstress ako sumasakit. (Sino bang hindi?) tapos nahihilo ako paminsan minsan
Doc: ahhh nagpacheck ka na ba dati
Patient: Last week po sabi po vertigo daw binigyan ako ng gamot nawawala naman pag na take ko
Doc: Continue mo lang gamot mo pag nahilo ka. Tapos yun sakit ng ulo mo tension headache yan (explains while patients looks disinterested) Dagdag mo na lang tong gamot pag matindi yun sakit and ffup ka pag lumalala at di kinakaya ng gamot.
Patient: Pwede makahingi ng vitamins para dito? Paki reseta po doc eto po Multivitamins 1 2 3. ( patient's eyes now sparkling)

UBOS ORAS AARGH!

I think vitaminologists would help solve our wasted clinic time and wasted advice. They would also help in medical missions to distribute vitamins to the people. As we all know medical missions last until there are supplies of free vitamins. Once it runs out even if there are still other medications available, patients also rans out. Nawawalang parang bula. I've really got nothing against getting your free vitamins but i really feel na its insulting to our job as physicians to be dispensing vitamins by order of the patient. DOC PENGENG VITAMINS! Some companies ask for our diagnosis pa before they distribute the vitamins. WHY? Kailangan ba may sakit para mabigyan ng vitamins?  We would know when to give it and we in general don't like to be dictated upon. Its a different case if the patient ask via a suggestion like "Sa tingin nyo doc kailangan ko magpa test kasi..." We are very open to that and we encourage that pero yun vitamins hay!!!!

So sa mga schools jan magandang course ito vitaminologist. Malaki ang market nito gawa na kayo ng ganitong course!

Wednesday, January 13, 2010

Wrong Move


Pansin ko lang parati kang umaalialigid, makulit kang lintik ka masyadong kang madulas kaya di kita nata-timingan. Mahilig kang magpasimple eh diskarteng bulok!! Bakit ko naman pag aaksayahan ikaw ng panahon? Wala naman akong mapapala sa iyo? Ang problema eh kahit di kita na pinapansin parati ka pa din nagpaparamdam at madalas dis oras ng gabi. Anong klase kang hayop? Ayaw mong lumaban ng patas? Medyo back stabber ang dating mo! Ok lang kung ako lang ang ginugulo mo eh pero ngayon pati pamilya ko na! Oras na mahuli kita di kita tatapusin agad. Unti-unti kitang hihimayin tatanggalan kita ng paa at kamay pero sisiguraduhin ko na buhay ka pa upang maramdaman mo ang sakit ng gagawin ko sayo. Babawian kita sa dugong kinuha mo at dugo mo din ang kapalit no more no less!  Lecheng lamok ka bakit mo kinagat yun anak ko!

Sorry mejo intense yun nakasulat but napuno na talaga ang salop! This means war!

Monday, January 11, 2010

Fit to Work Certificate...KALOKOHAN!

Hello I just arrived home from dinner at KINGONE tsalap!!! Medyo marami ako calories to burn again that's why I'm blogging at least may konting calories ang nabuburn habang nagtatype kaysa naman mag jogging ako ng alas-onse ng gabi.

One of my biggest peeves right now and even before is the FIT TO WORK CERTIFICATE, para kasing pinapasa mo sa health care professionals parati ang burden sa mga simpleng sakit na common sense lang ang kailangan. It is always misused and in the end sa amin ang blame if may mangyari. Mga descendants ba kayo ni Pontius Pilate or sadyang fans kayo ng Safeguard dahil mahilig kayo maghugas ng kamay? Ito lang ay isang appeal sa mga employers specifically sa HR department. Lemme give you some scenarios so you would understand.

Setting CLINIC
Doctor: good morning ano po ang problema?
Patient: Pinapunta kasi ako ng HR namin dito kasi kailangan ko daw ng certificate
Doctor: Bakit anung nangyari?
Patient: Di po ako nakapasok last week pinauwi po ako ng nurse ng company kasi may lagnat ako, pero after   ko po magpahinga gumaling din po ako after ilan days. Wala na nga po ako nararamdaman mga 2 days na.
Doctor: Ah baka trinangkaso ka lang (makes a med cert kahit di nya nakita talaga nung may lagnat para matapos na ang usapan at marami pang nakapila) oh eto na para ma file mo na as sick leave
Patient: Ahh tnx po, pero po kailangan po lagay nyo fit to work po ako
Doctor: Bakit eh magaling ka na naman ah. Wala ka ng nararamdaman di ba? Kaya mo na pumasok di ba?
Patient: Opo doc kasi ayaw po ako papasukin kailangan daw may nakalagay na FIT TO WORK ako di po pwedeng med cert lang.

Isang scenario lang yan, obvious na pwede ng pumasok kailangan pa papuntahin sa clinic at lagyan ng fit to work? Yun patient ang nakakaalam talaga kung kelan nya kaya ng pumasok most of the time. Common sense eh kung nilagyan ko yan ng fit to work at nagkasakit yan ule pero separate entity yun sakit sa akin ang blame. Obvious eh mas malakas pa sa kalabaw ika nga  hahanapan pa ng fit to work. Sa school ba pag umabsent ang student med cert lang naman hinahanap di ba? Pwede ka nga pumasok ng may sakit eh basta kaya ng katawan mo. If ever absent ka hindi naman humihingi ng FIT TO GO BACK TO SCHOOL di ba? What is the difference of going to work and going to school scenario aside dun sa isa may sweldo at isa may allowance. Halos same lang naman di ba? It's really irritating yun doctor lang ba ang pwede mag isip?

Another example

Setting: Clinic with a relatively newly diagnosed hypertensive patient previously poorly controlled.
Doctor: Good morning po sir musta na po BP natin?
Patient: Ok na po doc nag 120-130/80 (normal but not necessarily optimal range) mukang nakukuha po nung bagong gamot
Doctor: Buti naman basta tuloy tuloy lang ang inom mo ah.
Patient: Doc pwde po ba makahingi ng FIT TO WORK?
Doctor: Bakit ok na ok na yun bp mo ah? Last week nga nabigyan na ata kita nun.
Patient: Yun HR daw po kasi namin takot baka may mangyari sa akin. High blood daw kasi.
Doctor: Alam mo kung lahat ng high blood pagbabawalan mag work eh kawawa naman kayo nyan kasi habang buhay na sakit yan kinokontrol lang talaga.
Patient: Kasi doc kahapon po nag pa bp ako nung umaga 120/70 tapos nung nagtrabaho na ako mejo na stress ako dun sa pinapagawa sa akin at sumakit konti yun ulo ko nagpa BP ako 150/90 na pinauwi ako kasi baka daw mapaano ako. Pinabalik nila ako dito dahil kailangan daw ko daw ng letter na nagsasabi na TALAGANG FIT TO WORK na daw ako.

See? I hope you're getting my point dito sa fit to work na to. Kinuwstyon pa talaga yun unang fit to work. Shempre na-stress ng konti medyo sumakit ulo natural tataasng konti ang BP kahit ata sa hindi hypertensive tataas yan. Marami chronic diseases kung lahat unfit to work mapipilay ang work force at magkakaroon ng discrimination. Might as well magkatotoo yun GATTACA movie di ba para lahat ng labor force thoroughbreds. Bakit pa kailangan pabalikin? Para sa amin mapunta ang blame again?If ever ma-stroke sya sa work hahanapin yun huling pumirma ng med cert na FIT to WORK kahit na yung stroke ay complication ng hypertension nya dati pa?  Pwede naman mag self-regulate sa mga ganitong situation eh.

Wag naman sana nating gawing isang malaking hospital ang mundo na lahat ng burden ipapasa sa physicians para lang makapaghugas kamay tayo kung may unforseen circumstances pwede nyo ilagay sa report DR.____ aware! Inaware po namin...burn him/her to the ground!!

Parang nagugutom nanaman ata ule ako...

Saturday, January 9, 2010

Metro Manila Traffic "A Microcosm of Our Dysfunctional Nation"




Minsan ko lang magamit ang word na microcosm kaya pagbigyan nyo na ako. Naririnig nyo siguro sa radio yung "Metro Manila Traffic is something we have to live with" well I do not agree because we could do something about it naman but we chose not to. Its perfectly fine to experience heavy traffic due to the sheer volume of vehicles, road works and also vehicular accidents.  

So what is uniquely Pinoy and nakaka taas ng high blood (bwheheheh) about our traffic jams?

1. SLOW MOVING VEHICLES on the left lane for FAST MOVING VEHICLES or slow moving vehicles clogging the streets. This is very evident sa mga tollways may truck or van na mabagal na nasa kaliwa kahit mag flash ka ng light ayaw pa din tumabi eh ang luwag naman ng right lane. Nakaka cause ito ng accident ok lang sana kung yun mabagal yun naaksidente, which sometimes I wish for pero ang problem yun nag oovertake usually yun naaksidente. Pwede syang mabundol ng paparating na oto or kung gabi na baka may truck na nasira without early warning device BOOM bangga! Yun mabagal na sasakyan? Ayun tuloy tuloy pa din parang namamasyal lang. Where is the justice?

2. Slow moving cars in general most of pinoy drivers walang pakialam!! Try nyo lang ito kayo yun nasa harap ng stoplight and the road is wide open after it when the light turns green accelerate to about 60km/h ( which is a decent speed) panisnin nyo maiiwan nyo karamihan ng kotse sa likod? Why? Ayaw nyo ba makauwi ng maaga? Or minsan kalamo heavy volume sa isang 3 or four lane road yun pala may apat na same speed na magkapantay pantay kairita! I drive a pick-up so i know na maluwag yun road after the slowpokes. Isa pang good example ang 8-lane Commonwealth Ave. try nyo kung makaabot kayo ng 60-80km/h na sustained sa road na yun on regular working hours despite na maluwag siya. Para syang artery na punong puno na CHOLESTEROL at ang cholesterol ay ang mga PAGONG na SASAKYAN!!! Walang ganyan sa STATES!

3. Vendors oh glorious vendors! Baclaran, litex, Balintawak etc bakit choke points ito? Okupado ng vendor ang isang lane! yun next lane dinadaanan ng tao so ilan na lang matitira sa mga vehicles? Poverty is not an excuse to break the law! Parating ganun ang excuse I really do feel sorry for them pero pag natatrapik ako walang sorry sorry gusto ko lang umuwi! Ano ba naman ang dali naman maimplement na tanggalin sila di ba?

4. Tricycles, pedicabs plying the highway. di ba bawal to? Nakakadagdag sila sa number 2 plus hazard pa sila because usually sila yun walang ilaw sa gabi.

5. Convoy ng PRIVATE (malamang may kapit) SUV's or luxury cars na may wangwang na kala mo kanila yun daan. Di ba dapat sa government lang yun sirens? Counterflow anywhere konting hinto lang wangwang kaagad. Ito dapat ang binobomba ni Bin Laden  for sure ako na sasali ako ng AL QAEDA pag ganun.

6. Mga Naflatan or nag overheat na kung san inabutan dun din ihihinto kahit nasa gitna or pa slant yun position ng sasakyan. Ano ba naman yun itabi ng konti di ba? May pagkakaiba ba sa pagpapalit ng gulong? Ang di ko pa maintindihan madalas meron nafaflatan sa flyover. Punyemas na kaugalian to pwede naman itabi eh kung sa pag ihi nga nakakatabi ka pa eh.

7. BARKERS! Sila ang nag papahinto minsan sa gitna or sa mga kanto ng PUV's easy money lang hanap nitong mga to. Kung ako mag cocommute di ko kailangan ng barker malalaman ko naman sa papunta ang sasakyan ko eh tsaka alam mo naman kung may pwesto ka pang mauupan self explanatory!

8. High beam kahit may kasalubong. Nakakabagal pag nasisilaw ka sa mataas na ilaw ng kasalubong mo sa gabi. Kahit maliwanag yun daan naka high beam pa din. Mas mahirap kaya mag drive pag nasisilaw ang tendency mo babagalan mo kasi baka may biglang tumawid eh

9. Kwentuhan ng dalawang driver sa daan. Pwdeng tumabi naman at magusap or magtxt na lang para maaksidente kagad kayo. Ang daming lugar na pwedeng mag usap kailangan pa sa daan?


8. Public vehicles jaywalkers are self explanatory Res Ipsas Loquitur

Ganyan ang ugali natin malaki ang igiginahawa ng traffic kung aayusin ito. Sana talaga maging MMDA chairman ako.

Feel free to add hehe

Thursday, January 7, 2010

Such Huge Egoes

I just heard that the Pacquiao vs Mayweather fight is off. This is such a big let down for me because like most of us if not all of us wants this to happen.  Here's my take on this.

Their (PacMan and Pretty boy) egoes are just too big to to fit inside the squared circle, thus denying us what could be the fight of the century. Wala silang pakialam sa fight fans gusto nila sila lang masusunod. Its a big blow to boxing. May manunuod ba ng Holyfield vs Botha? Si Holyfield Holy na talaga sya sa tanda eh.

To PacMan, I believe that you are clean bakit di ka na lang kumuha ng test na gusto ni Mayweather? Ayaw mo kasi na masabi na dinidiktahan ka nya ng terms. Anong manghihina  pag kinunan ng dugo? 1 litro ba yun? Para matapos na pakuha ka ng blood then gulpihin mo sya after. Siyempre sabi ng advisors mo don't let the other camp dictate because you are the bigger draw sa fight. Kung wala kang tinatago eh di have the test.

To boring Floyd what the hell is wrong with you brotha? Takot ka lang kay Pacman kaya you are trying to get under his skin by asking for absurd tests. Ayaw mo din magback down sa request dahil sa pride mo. Erpat mo din ayaw tumigil na kakasatsat.

Sayang at hindi ito matutuloy. Sayang din sana ang perang kikitain dito.

Metro Manila Film PESTival

Officially this will be my first post on my official blogging site. I was previously blogging on my multiply and facebook accounts prior to this.

First of all happy new year to everyone and I hope that all of you are anatomically intact after the revelries. It's now Jan 7, 2010 and tomorrow mapapalitan na din ang palabas sa sine. It was 3 weeks of hell for me because di ko man lang magamit yun pera na napaghirapan ko to go to the movies because Metro Manila Film Festival! Parehong plot, same old same old artists and even titles baka pag may apo na ako may Shake, Rattle and Roll 113 na. Can we just do away with this annual punsihment? I know marami syang nagegenerate na income for our local industry pero pano naman yun mga tao na gusto ng alternative na mapapanuod? We do have the right to choose what we prefer to watch di ba?  We were deprived of the critically acclaimed AVATAR na 1 week lang napalabas dahil kailangan puro festival films lang ang palabas. What kind of sick law is this?!

Di ko naman nilalahat ang local films nanuod din naman ako before ng film fest movies some of them were quite good naman. I just didn't like the choices this year. Ang mahirap lang is masyadong mahaba na walang ibang palabas and isipin na lang natin na ginagawa to tuwing holiday season, so maraming time manuod ng sine. By the end of the week malamang napanuod mo na yun gusto mo. Pano na yun next 2 weeks?  Mas ok siguro kung 1 week lang and then the fillms that do well ituloy lang pero haluan na ng foreign films para may choices ang viewing public.

Isa pang nakakaasar sa MMFF is yun the way they give awards. Bakit kasama sa best picture criteria yun gross sales? WTF? Parang walang sense di ba?  Another example is the movie RESIKLO by Sen. Bong Revilla it won the best in cinematography but it used DIGITAL film as its medium. Below sea level IQ din ng award giving body.

I know we cannot compete with Hollywood special effects but I know we could write good stories and plots. We shouldn't stick to the same old plots of our revenge driven action flicks, slapstick comedy and love triangle dramas let us think of new ideas naman. Isa pa kung walang talent ang artista wag na syang isama dahil malakas ang pamilya nya or hatak nya sa industry.

May patient na akong dumating so I'm ending this post.