Halos kalahating taon wala akong blog. Marami na ako na akong mga opinion sa mga bagong issues ang pinalagpas. Medyo busy lang talaga kaya I couldn't write as often as I would like. To my few readers (my wife ehem ehem) pasensya na.
Sky high nanaman ang fuel prices ngayon most of us in the working class are feeling the crunch. Reminiscent ang prices ngayon nuong bago mag recession sa US. As usual meron nanaman outcry ang PUV drivers ng increase sa fare or subsidy. Masakit mukang pagbibigyan nga sila. Ang tanong ko Mr President paano naman kami? How about us?我們怎麼樣?
Nagkokotse kami dahil kailangan namin ito. Hindi dahil sa luho or anu paman kailangan namin ito sa trabaho dahil inefficient ang public transport! Bakit kami walang subsidy? Sino ba ang mas maraming binabayad na tax? Sino ba ang mas may pakinabang? If the mode of public transport is efficient eh di sana mas maraming nag ko-commute (at di nagpapacute) lahat naman ng nag ko commute wala lang choice pero if they had they'd have their own vehicle kasi sobrang hassel sa masel ang pag commute dito.
Dito sa gagawin mong subsidy parang mga jeep, bus at tricycle drivers and operators lang nakinabang? We, the middle class are subsidizing them with our taxes. Karamihan pa naman sa mga sasakyan ay dugo't pawis ang hinuhulog sa financing tapos ang makikinabang tong mga driver na to?
Binabayaran namin ang mga pulo't dulo ng traffic sa Pilipinas. Pinupupukpok namin ang sarili namin with this kind of solution. Ang daya masyado ng spoiled yan mga hinayupak na yan. Why not mag sacrifice muna ang government and temporarily lift the vat or bawasan ang vat sa fuel. Lahat may pakinabang di ba?
No comments:
Post a Comment